Saturday, September 10, 2011

Oo o Hindi?

3rd Year. Kamote, mas magaling pala sakin to sa Math! Kaya naman pala nalipat samin, yun naman, ok fine! Nagtataas pa ng kamay para magbigay ng sariling formula! Minsan nga ang epal na eh! Nang-aagaw ng eksena habang nagtuturo teacher namin. Nangugulo ng formula ang hirap na nga ginugulo pa! Pero di naman umabot sa Division level sa Math Quiz Bees nung elementary days kaya di kami nagkita haha! Pero wag ka seryoso to magmahal, hmmm.. crush lang HS pa lang eh.. nakita ko na to umiyak dahil sa crush haha! Kwentuhan namin tungkol sa crush nya ako taga-tawa lang. May time pa, pag nakakasalubong namin crush nya kunwari di nya kilala para raw di sya masaktan ok pagbigyan pero paglampas pwede na ko tumawa hahaha! Sus seryoso masyado! Ako nga sabi ko sakanya ayoko magkabf ng hs pa lang eh! Eh kasi sa nakikita ko parang laro lang sa iba ayoko ng ganon kahit makulit ako kahit hindi ako mukhang nagseseryoso sa mga bagay pag nagkabf ako buhos to kung buhos noh! Hanggang crush at silay lang ako. At saka ayoko ng classmate na manliligaw nakakailang, o kaya pag nalaman ko na crush ako hindi na ko masyado nakikipagkwentuhan, ayoko din yung close friend ko na lalaki may gusto sakin. Hindi kasi sya yung una kong kaclose na lalaki meron pa nauna nung 1st year kaso nahaluan ng ibang bagay eh. Kahit ako yata non tinablan eh bawal bata pa ko kaya iwas na lang muna sa mga ganon na feelings hehe! Alam nya lahat yun sinasabi ko rin sakanya mga gusto at ayaw ko sa lalaki pag nanliligaw o kaya nagpaparamdam. Alam din nya kung ano gusto ko sa lalaki gusto ko malinis tignan saka may angas! Saka plus factor yung marunong maggitara! :) Pero parang may bubuwag sa promise ko sa sarili ko na ayoko ng bf ng hs kasi hindi na lang sya ngayon tumintingin sa labas ako rin may tinitignan sa labas may naghihintay sakin, maangas, hindi ko kaklase, marunong maggitara, matalino. Gusto ko sya, gusto nya ko. Parang super qualified eh! Pero ready na ba ko? Sasagutin ko na ba sya? Sya na ba?

No comments:

Post a Comment